Archive for the ‘Brainythoughts’ Category

Earth Dragon ako

Posted: December 4, 2011 in Brainythoughts

Dahil next year ay water dragon, naalala ko na ako e pinanganak sa taon na iyon kaso isa akong Earth dragon.

Curious ang lola ninyo kaya naghanap ako ng site para tignan ang progress ko sa Year of the Dragon sa http://www.usbridalguide.com.

Bago ko ilahad ang tungkol sa Earth dragon, nakita ko ang mga characteristics ng isang dragon;

CHARACTERISTICS

Innovative [sige, acceptable ito!]
Enterprising [ibig sabihin mahilig pala akong magbenta ng kung anu-ano]
Flexible [kailangan e]
Self-assured [sige na nga, ok na lang ok]
Brave [saang banda?]
Passionate [pwede rin]
Conceited [grabe naman ito. Hindi naman e]
Tactless [barabara minsan hahahaha]
Scrutinizing [wow naman. Detective ba?]
Unanticipated [medyo.]
Quick-tempered [kapag napuno]

Ayon sa site rin sa nasabing site, Earth Dragons make great managers because they are practical, levelheaded and demonstrate a knack for organizing [I always planning my schedules para hindi hustle]. They still have the need to dictate and be admired [every effort should be appreciated], but they are affable, congenial and supportive [100 percent].

Compared to other Dragons, Earth Dragons are less likely to breathe fire at the least irritation. They will work diligently to complete their life goals [focus!]. The Earth element adds a greater portion of self-control to the Dragon’s personality and usually the Earth Dragon is deserving of the respect he or she desires. [tama nga naman. Irespeto ninyo muna ako bago ko kayo respituhin]

These Dragons take their life and romantic responsibilities quite seriously. [weeehhhhh?]

Tulad ng nauna kong post about sa Capricorn, hindi ko alam kung maniniwala ako rito. Wala namang masama kung paminsan-minsan e maniwala ako tapos biglang ngiti na lang sa mga hindi kapanipaniwalang pahayag.

12/4/2011

About Capricorn (ako iyon)

Posted: November 26, 2011 in Brainythoughts

Dahil wala akong magawa naisipan ko na hanapin ang kahulugan ng birth month ko at nagulat ako sa aking nalaman.

According to Myriam Maytorena in http://www.astrostar.com, Capricorn is one of the most stable [hindi nga?] and most serious of the zodiacal types [yeah. Inaamin ko na seryoso ako sa tinatrabaho ko parati. Hindi ako pwedeng guluhin kahit sinuman]. They are normally confident [pagdating sa akin, saang banda?], strong willed [kung gugustuhin ko, talagang ginagawa ko] and calm [sort of].

Hardworking [agree. Kinda hahahaha], unemotional [medyo manhid type ako. Hindi ko agad nage-gets at kung minsan malabo para sa akin], shrewd [madalas kapag natataranta na ako], practical [kapag saan ako makakatipid, doon ako.], responsible [naman!], persevering [never say die ang drama ko parati], and cautious to the extreme [minsan nagdadalawang isip pa ako. As in todo usap sa self ko. Parang baliw].

Capricorns are Practical and prudent [pinag-iisipan ko palagi kung tama ba ang nagiging hakbang ko sa aking mga desisyon.]

Ambitious [hanggang ngayon di ko pa rin sinusuko ang ambisyon ko sa buhay] and disciplined [madalas lang mangyari ito sa akin. Kapag nasa mood lang ako hahahaha]

Patient [sobra. Sagad sagad na nga eh] and careful [Minsan inaabutang ng kamalasan hahaha.]

Humorous [ito talaga ang laging nakikita sa akin. Joke na korni pinapatulan ko.] and reserved [ano raw?]

Pessimistic [totally agree ako rito. As in trademark ko iyon] and fatalistic [hala!]

Can be Miserly and grudging [iyak na nga lang ako.]

Can be stiffly conventional [let me think of this] and rigid [katulad din ng nauna].

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya. Kung tutuusin 50 percent e totoo at 50 percent no comment lang ako.

Still, I respect her opinion ^_^

11/26/2011

Hindi ko mapigilan na magsulat tungkol sa kanya (no need to mention h** name).

Nabasa ko ang kanyang note sa isang networking site at hindi ko alam kung magco-comment ba ako, ili-like yun o dedma lang. Ngunit sadyang hindi ko maisip kung ano ang tumatakbo sa utak ng tao na iyon. Napaka-big deal ba sa isang tao na ma-busted, ma-dump ng taong gusto mo? Katapusan na ba ng mundo kapag ganoon? (kung mabasa man niya ito, lagot. Baka kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin.)

Marahil wala akong karapatang maghusga kung anuman ang nakasulat doon. Unang-una, hindi pa naman ako naba-busted. Hello, babae po ako subalit may mga babae rin namang naba-busted, di ba? Halimbawa kung hindi ka gusto ng taong gusto mo, busted na matatawag iyon. Kung tingin niya lang sa iyo eh kaibigan, boom sakit nun at busted ding matatawag iyon.

Ang pag-ibig, kay hirap i-explain. May gusto kang isang tao tapos bigla mo na lang sasabihin na mahal mo na siya. Ewan tapos kung hindi pareho ang nararamdam niya tulad ng nararamdaman mo no choice to cry over it.

Natural lang iyon sa isang tao na masaktan. Mahirap sa umpisa kaso wala tayong magagawa sa bagay na iyon.

To tell you honestly, nasaktan na rin ako and that will be the last (impossible). It is too complicated to tell it here (malabo kasi. kahit ako di ko gets).

Basta I learned my lesson now. Being single is not bad. I can wait until someone notice me.

When I entered college, I managed to mingle to my colleagues but I didn’t consider them as barkada. Mga kaklase lang na dapat pakisamahan. Iyon siguro. Wala naman akong naging kaaway. Mababait naman kasi sila kaya ganoon din ako sa kanila. “give and take” lang yan. Kung mabait ang kapwa mo ganoon ka rin. Iyon ang naging pamantayan ko sa mga taong nakakasalamuha ko.

Mabait daw ako, iyon lagi ang bukang bibig nila. Walang reklamo akong naririnig sa mga taong nakakasama ko. Ngunit di ako sumasama sa anumang gimik na gusto nilang puntahan. Diretso bahay agad ako. Bahay-school lang ang alam ko. Hindi sa natatakot ako sa parents ko (one factor na rin iyon) ayaw ko lang na umuwi ng sobrang gabi.

Hindi nagtagal ang mga naging kaklase ko eh nag-iba ng majorship. Iba naman eh lumipat kaya new environment na naman. Observe ako ng observe sa bagong mukha. Hanggang doon lang ang kaya kong gawin. Hindi mo talaga pwedeng piliin kung sino ang gusto mong makasama. Nandiyan na kaya “survival of the fittest na lang.” Hindi nagtagal, nakikisalamuha na rin ako sa mga bago kung kaklase. Wala namang nagbago. Kung ano ako dati, ganoon pa rin ako. Subalit may isa akong naging close or I should say instant close classmate. Paano nga ba nagsimula iyon? (walang kamatayang backtrack na naman) As far as my memory was concerned, that person insisted me to join together na kumain ng lunch sa canteen. Malimit kasi akong kumain mag-isa… sa labas. Malapit naman kasi ang mall sa pinapasukan kong unibersidad at ang oras ng lunch naming dati ay humigit kumulang na dalawang oras kaya pagkatapos kumain gagala naman ako. Chance ko na ‘yon para makagala. Minsan naman nakakatabi ko siya kapag alphabetized ang seating arrangement. R kasi siya at S naman ako. Close kaming matatawag kaya lang ako ata ang sumira ng closeness namin. Nang pumasok ang kapatid ko sa unibersidad na pinapasukan ko, naiwan ko ata siya at baka dahil doon eh nagbago ang tingin niya sa akin. Hindi naman sa nang-iiwan ako, may ugali siguro ako na isa lang tao ang kaya kong pakisamahan sa kasamaang palad, mas close kasi ako sa kapatid ko. At iyon ang negative trait na nakita niya. Sumapit ang isa pang taon, tuluyang hinati ang section na kinabibilangan ko. Tuluyan na kaming naghiwalay. Napunta siya sa bagong section. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Nang nagtext ako sa kanya na “mami-miss ko siya”, nireplyan lang ako ng “ikaw ba iyan?” Nakakainsulto pero ano ang magagawa ko, iyon na ang naging tingin niya sa akin. Isang masamang tao (kinda).

Well past is past kaya di ko na mababalik ang nakaraan. Almost three years na rin kaming walang communication. Tanda pa rin ba niya ako? Baka nga hindi na. Well that’s life. Na-trauma siguro siya sa ugaling pinakita ko sa kanya noon. Kung tutuusin (ngayon ko lang ito aaminin), siya ang unang bestfriend ko. Kasama ko siya kahit saan. Dahil sa kanya, muli akong nakapasok sa National Library. Marami akong nagawa dahil sa kanya. Siya rin pala ang nag-alaga sa akin noong nagkasakit ako. Salamat sa kanya. Siya kaya, bestfriend din ba ang tingin niya sa akin? Hindi panigurado. Sa mga maling nagawa ko, masama na ang turing niya sa tulad ko.

Kung pahihintulutan ng panahon, gusto ko siyang makita. Ano naman sasabihin ko sa kanya? At ano naman ang pwede naming pag-usapan. Siguro naman sa loob ng tatlong taon na hindi kami nagkita marami kaming pwedeng sabihin sa isa’t isa. Sana masabi niya iyon. Ganoon din ako sa kanya.

Masinsinang usapan ba ang ginawa namin. Pakiramdam ko nagiging pakialamera na siya kaso ano ang magagawa ko eh sadyang napapansin na kasi. Wala namang problema o anumang tampuhan thingy ang nangyari. Parang isang pitik lang,o di kaya isang patak ng bleach sa mantsa, magic! Nawala na ang dumi! Ganoon din ang nangyari sa aming dalawa. Hindi ko alam ang rason at wala sa akin ang kasagutan kung bakit nagkaganoon. Sadyang nangyari. Ano ba ang magagawa ko at siya rin mismo. Sanayan lang ‘yan. Ako nga nasasanay ko na ang sarili kong huwag kausapin o pansinin man lang ang mga kakilala ko sa isang networking site. Di rin naman nila ako pinapansin kaya bakit pa, di ba? May kanya-kanya na kaming pinagkakaabalahan. Bukang bibig din niya kanina ang salitang “share” Napatigil ako sa ginagawa ko at binaling ang atensyon ko sa kanya. Lahat naman kasi ng tao pwedeng gawin ang bagay na iyan. Mag-kwento ka lang kahit hindi interesado ang kausap mo o kahit hindi niya magets, basta may lumabas lang na salita sa bibig mo, share ng matatawag iyon. Sa pag-share ay parang pagkuha ng simpatya ng ibang tao. Ngunit kadalasan hindi mo yun namimithi. Kadalasan naman ang pag-share ang nagpapagaan sa kalooban mo. Mailabas mo lang ang saloobin mo, magiging okey ka na.

Malabo ang naging sagot ko sa taong nagtanong sa akin kung nagkaroon ba kami ng tampuhang dalawa. Isang malaking “no comment” lang ang lagi kong sinasabi. Tapos panay ang tukso niya sa akin. Pilit niya akong pinapasalita kung ano talaga ang nangyari at nagkaganoon. Ewan ko. Malay ko ba. “Busy ako kaya wala akong time”. Tugon ko lang sa kanya. “Busy lang ba? O baka naman hindi ninyo alam kung saan pwedeng magsimula ang pag-uusap ninyo?” Tameme ako sa kanyang sinabi.

Kailangan ba sa aming pag-uusap parang friendly letter, may simula at katapusan? Wala akong edeya talaga. Ngumiti lang siya na tila aso. Ba’t ba ang hina ko sa reasoning at logic! Naman! Di ko ma-explain!
Bago matapos ang usapan namin. Humirit pa siyang magsalita. “Kung dati-rati, ganito kayo bakit hindi niyo magawa ngayon?” May something talaga na hindi niyo alam kung ano. Basta kung anuman ang nasa utak niyo, Both of you are free to share without any limit. You are bold to each other. Higit sa lahat siya ang pinaka-close mo.” Naungkat na naman ang salitang “close”. Hindi na ako umimik at baka kung ano pa ang masabi ko. Subalit kailangang may sabihin kahit na magulo o magpapagulo sa utak niya.

“Indeed I can say that we are just close sa likod ng mga monitor namin. Wala ng hihigit pa roon. We both walk in different path now at malayo pa para mag-intersect ang landas namin. Gusto ko pa sana siyang kilalanin kaso hanggang doon na lang talaga. Kung mangyari man ang araw na biglang pumasok sa utak niya na mag-hi o anumang bagay na magpapabalik sa dati, then fine with me. Basta ang importante, hindi ko siya nagugulo, okey na ako.” Sabay gawa sa dapat kung tapusin.

Hindi na humirit ang kausap ko bagkus tumayo siya sa kanyang kinauupuan na malapit sa akin at iniwan ako. Malabo pa rin sa akin kung bakit niya na-open ang bagay na iyon. Nang dahil doon, inaamin ko, bigla ko siyang naalala. Na-miss ko tuloy siya.

Laking gulat ko at may nakita akong tatlong pirasong chocolate mini bar sa ibabaw ng aking table. As in tatlo. Hindi naman napaka-big deal ang mga tsokolate na iyon kaso nakapagtataka kung sinuman ang naglagay ng mga mini bar sa lamesa ko. Iniisip ko na baka estudyante. Kung estudyante di dapat isa sa mga hawak kong bata eh sinabihan na ako na nagbigay siya ng tsokolate sa lamesa ko.

Tagpuan: Sa loob ng klasrum

S1: Cher nakita ba ninyo ang chocolates na binigay ko po?

Cher: Saan?

S1: Doon po sa lamesa ninyo po.

Cher: Ikaw ba ang nagbigay noon sa akin?

S1: Opo. ako nga po.

Cher: Salamat.

Ganyan ang magiging eksena kung bata ang nagbigay sa akin ng mga tsokolate na iyon. Kung high school naman, posible pa kaso ganoon din naman, sasabihin pa rin nila sa akin na nagbigay sila ng tsokolate. Baka naman naiwan lang at hindi talaga para sa akin ang mga tsokolate na iyon. Sa dami pang numero kasi bakit tatlo pa ang napili. Nang nakita ng mga estudyante ko iyon, sila na ang  gumawa ng sariling paliwanag kung sinuman ang nagbigay ng mga tsokolate. Galing daw iyon sa aking admirer. Natawa lang ako nang nabanggit nila ang salitang admirer. Sila naman ang gumawa ng malisya sa pagtawa ko. Likas na sa akin na tumawa kapag may nakakatuwa naman talaga. Imbes na ako ang kiligin, sila ang nakilig. Dahil ba sa pagtawa ko? Malay ko sa kanila. Baka nga ibig sabihin noon eh “I hate iyon”. Hindi ba nila naisip iyon?

Kung sinuman ang nagbigay iyon, salamat at naalala niya na naka-distino ako sa isang hide out. Sabi ng iba mahirap daw akong hanapin. Baka naman tamad silang hanapin ako. Bakit naman yung iba? Ano iyon, tago-taguan? Basta hindi ko gagawan ng kung anong kwento ang tatlong piraso ng tsokolate na iniwan sa lamesa ko. Hanggan ngayon hindi ko pa kinakain ang mga tsokolate na naiwan, nilapag, sinadyang ilagay sa aking lamesa. Ni-ref ko muna iyon para hindi matunaw. Kung may pumunta man para i-claim na sa kanya ang mga chocolates na iyon, I’m glad to return it. Kung akin talaga iyon, sige kakainin ko. Wish ko lang walang nakakalasong ingredients ang mga chocolates (joke!)

Diary: Malungkot ako… sobra

Posted: August 14, 2011 in Brainythoughts

Mahilig talaga akong magtago ng nararamdam ko. Palagi na lang akong nakangiti, feeling masaya pero deep inside nalulungkot ako. Kapag may nagtanong sa akin kung okey ba ako siguro ang sasabihin ko ay “oo naman!” Agad namang maniniwala ang tao na iyon. Kung sa bagay ano ang kinalaman ng tao na iyon sa pinoproblema ko. Wala naman siyang magagawa kung malaman niya. Kaso may kung ano sa puso ko na gusto kong sabihin sa iba. Kaso wala namang makikinig. Nega akong tao at hindi na magbabago iyon. Kahit ganoon, binibigay ko ang positive thoughts ko sa iba para palakasin ang kanilang mga loob. Tama ganoon ako.

Kaso napakahirap pala kung sinosolo mo lang ang problema mo. Dapat nagsasabi ka sa iba. Kung wala silang pake, basta share ka lang ng share kahit hindi nila maintindihan iyon. Mas mabigat pa lalo kung hindi mo sasabihin. Kaya lang nasa mahabang proseso pa ako ng pagbabahagi kung anuman ang nasa utak ko. Yung laman ng isip ko.

 

Sana naging bingi na lamang ako

Para di ko marinig ang kanilang pagtatalo

Sana naging bulag na lamang ako

Para di ko makita kung paano nila sinasaktan ang isa’t isa

Sana naging pipi na lamang ako

Para di ko masambit ang mga masasakit na salita

Kung mangyari man sa akin iyon

Baka mas tatahimik ang aking buhay

Hindi tulad ngayon puno ng lumbay

Tulad ng isang simpleng sulat, nagsisismula ito sa kamusta. Kinakamusta kita sapagkat dito lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob na kamustahin ang tulad mo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung saan ako pwedeng magsimula. Di tiyak ang utak ko kung ano ang maaari kong sabihin sa iyo. Gulo ba? Kailan ba ako naging malinaw?

Nabibilang mo ba ang mga araw na di na tayo nagkakausap? Kung ako ang tatanungin mo, hindi. Tuloy lang ang takbo ng oras natin. Parang wala lang.  Sa tingin ko mabuti nga iyon. Tapos na ang kontrata. Kung pwedeng magre-contract, sige lang kaso hindi ko na gagawin iyon at ganoon ka rin naman.

Gusto kong ibalik kung ano ako dati. Ibalik ang dapat ibalik (kung anuman iyon).

Sapat na siguro nakilala natin ang isa’t isa. Sapat na ang ilang buwan na nagulo natin ang tahimik nating mga buhay. Wala na tayong dahilan para kilalanin pa natin ng husto ang isa’t isa. Ano pa nga ba ang pwede nating pag-usapan.

Hindi ako nagpapaalam kasi wala naman tayong sinimulan.

Ngunit kung kailangan mo ako (kung kakailanganin mo lang), handa akong makinig muli at makipagkwentuhan.

Iba’t ibang tao na ang ating mga nakakasalamuha. Sa mga tao na iyon, naramdaman mo ba minsan na may tulad kong napadaan sa daan na meron ka ngayon. O sadyang pareho tayong naligaw ng landas at sa pagkakataon na ito, nahanap na natin ang tamang daan.

Unti-unti kong nakakalimutan na may taong napadaan sa buhay ko. Hindi ko na babaguhin kung anuman ang nasabi ko noon at ating napag-usapan pero kaya kong baguhin ang anuman na meron ako ngayon.

Tulad ng dati…

Gulo noh?

Diary: Sore eyes!

Posted: July 23, 2011 in Brainythoughts

Hindi ko alam kung malas ba ako ngayon o sadyang malas talaga ako. Sore eyes. Sa lahat ng sakit, ito pa ang mapupunta sa akin. Ganoon ang buhay (tulad ng aking sinasabi). Malas ko rin kasi naiwan ko ang gamot ko sa iskul. Wala akong magagawa kundi kunin iyon bukas ng maaga kung gusto kong gumaling agad.

Tinignan ko ang aking schedule at nawindang ako sa aking nakita. Tambak na naman ako ng gawain. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin. Papalit-palit ako ng gawain kayat baka hindi ko matapos iyon bukas (huwag naman sana). Buti na lamang yung ibang gawain eh natapos ko ng bahagya tulad ng pag-check ng SLL ng mga bata at asikasuhin ang experiment nila para sa Monday. Speaking of SLL, habang nagche-check ako, bahagya akong nalungkot ng nakita ko na yung ginuhit niya eh nawala sa likod ng SLL niya. Gusto ko sana siyang tanungin sa kasamaang palad hindi ko na ginawa. Wala iyon sa plano. At sino ba naman ang matutuwa na may ibang tao na pakikialaman ang gamit niya.  Tinapon na kaya niya iyon? Marahil. Huwag naman sana. Kung ayaw niya iyon, dapat binigay na lamang niya sa akin. Ikatutuwa ko pa iyon eh. Ngunit sadyang ganoon ang buhay (ulit na naman).

At isa pa pala, dahil sore eyes ang sakit ko baka mga isang linggo akong hindi makakapasok. Hay naku!!! Hindi pwede iyan!!! Masisira ang routine ko!!!

Ikatutuwa kaya nila at lalong-lalo na siya? Malay ko.

Sana naman gumaling na ako 😦

Makatulog na nga.

 

Nakakatuwa naman ang gabi na ito. Sumakit ang ulo ko sa kakaisip sa walang kamatayang desisyon. Grabe! Napiga utak ko sa kakaisip! Ba’t ba ang hirap magdesisyon? O sadyang ako lamang ang nahihirapan. Kung sa bagay simple lang naman yan eh, kung nakokonsensya ako eh di mali iyon. Ganoon lang naman. Sa kasamaang palad pinipilit kong makahanap ng tama sa mali na iyon. Hala parang nagbabago na ako. Takot ba akong magbago? At paano ko naman nasabi na nagbabago na ako? Kagustuhan ko naman iyon. Malay ko ba!

Buti pala naibalik na ang libro sa akin. Magtitiwala na lamang ako sa humiram na wala siyang nakita roon. About sa bookmark, solution lang naman ang bookmark na ginagamit ko roon. Akala siguro ng iba eh may kakaiba sa book ko. Curious nga naman. Nang nakauwi na ako sa bahay, nilapag ko ang aking gamit at kinuha ang libro sa bookshelf namin. Binuklat ko iyon. Hindi ko pa rin tinatanggal kahit tapos ko ng basahin ang libro. Gamitin ko kaya ang bookmark na iyon kapag magsimula na akong magbasa ng bagong libro. Kaso ikalulungkot ko iyon. At kung dalhin ko man sa paaralan baka mahulog iyon sa daan. Careless pa naman ako pagdating sa mga gamit kaso maalaga naman.

Hmmm… ikukwento ko pa ba ang laman ng utak ko? Pansin ko (lagi ko namang napapansin eh)… hay… hindi ko maikwento. Basta ramdam ko ang tinatawag na “bridge syndrome (gawa-gawa ko lang) kung saan may pagkakataon na ok kami (ito yung pagkakataon na yung tulay eh dinadaanan ng mga tao) minsan naman wala (ito naman yung tulay na minsan na lamang tinatawiran). Hindi ko naman pwedeng sabihin na pansinin niya ako araw-araw. Hindi ko naman hawak ang oras niya. Kaso miss ko na yung dati. (Emo mode)

Hirap bumitaw. Ibig kong sabihin kung nakasanayan mo na ang isang bagay, mahirap kalimutan na. Pilit kong ginagawa kaso nahihirapan ako. Wala akong ideya. Ano ang pwede kong gawin? Kung kakausapin ko ang mga lamang loob ko, wala itong maibibigay na sagot. Kung kapatid ko naman, babatukan pa niya ako! Ako mismo ang dapat makahanap ng kasagutan.

Ayaw ko mang gawin kailangan. Lahat naman ay may ending. Yung dati eh dati na. Parang past is past lang.

Sana pagising ko. Makalimutan ko na sana kung paano nagsimula ang lahat.

Ang tanong…

KAYA KO BA?