Archive for the ‘Brainythoughts’ Category

TERMITEnator

Posted: May 26, 2011 in Brainythoughts

Napagising ako ng maaga sa utos na rin ng aking nanay. Natakot kasi ako na baka lakihan na naman ako ng mata kung hindi ko ginawa ang kanyang pinag-uutos. Pagising ko, tulog pa rin ang tatay ko at ang daming kalat sa bahay. Una kong ginawa ang pag-aayos sa aking kama. Sympre saan ko ilalagay ang mga damit namin kung hindi ko aayusin iyon. Inilabas ko lahat ng aming mga damit sa loob ng kabinet. Kakainis naman kasi ang mga anay na iyan! Kung pwede lang sunugin ko sila, ginawa ko na. Pero hindi ko gagawin ang bagay na iyon. Bahala na ‘yong tatay ko na puksain silang lahat. Sa lahat ng insekto, ayaw na ayaw ko ang anay. Bakit? Kasi numero uno silang kumakain ng mga gamit gawa sa kahoy! At isa pa, ang itsura nila, kahit namaliliit para silang patay gutom na insekto na tinitira kahit na ano. Kawawa naman ang gamit namin lalong-lalo na ‘yong mga libro. Buti na lamang nakasilid na iyon ng maayos. Bwahahahahahaha.

Pagkatapos kong nilabas ang mga damit at gamit sa loob ng kabinet, agad akong kumain ng almusal. ‘yong pagkaing hindi ko nakain kagabi, iyon ang naging almusal ko. Hinugasan ko ang lahat ng pinggan at pinakain na rin si Tibby kasama na rin ang mga alaga naming hayop.

Nagbunot at nagwalis na rin ako pagkatapos kong magpakain ng mga alaga namin. Sa wakas nagising na rin ang tatay ko. Bago niya akong tulungan sa paglilinis ng bahay, nagkape muna siya. Nilinis ko na rin ang electric fan sa loob ng kwarto at inayos namin ng tatay ko makina ng electric fan. Maingay kasi. Habang nagwawalis, naiinis ako sa balahibo ng aso namin. Ang dami! Kayat habang nagwawalis ako, sinesermunan ko ang aso. Maiintindihan ba niya ako? Oo naman. Nasa isang sulok ‘yong aso habang nagsasalita ako. Alam niya na pinapagalitan ko siya kayat hindi siya humaharang sa niwawalis kong kalat.

Basa pa rin ang kabinet kayat hindi ko pa malagay-lagay yung mga gamit namin. Nahanap ko na pala ang salamin ko kayat maaari na akong magtrabaho… bukas. Teka, ano kaya ang gagawin ko sa bago? Lagot na naman ako nito.

Opps… Hapon na pala. Akalain mo, hindi ko iyon napansin ^^

T.K.O ako kahapon. As in hindi ko nakaya ang sobrang sakit ng aking ulo. Nabasa pa kami ng nanay ko dahil sa biglaang buhos ng ulan. Sinamahan ko kasi siya na dalawin ang tito ko. Kinaugalian na ng aking nanay na dumalaw sa puntod niya isang beses sa isang linggo. Hangga ako sa panatang ginagawa ng aking ina. Mabuti siyang kapatid sa aking tito. Nalulungkot ako minsan kasi yung pamilya ng aking tito eh ni isang dalaw hindi nila magawa. Hindi ba sila minumulto?

Naikwento minsan ng aking ina na napaginipan niya si tito nang hindi ito nakadalaw dala na rin ng sobrang pag-ulan noon. Napaiyak ang nanany ko habang kinukwento sa akin iyon. Hindi naman ako natakot sa kwento niya pero ramdam ko kung gaano kamahal ng nanay ko ang kanyang kapatid. Sana man lang maramdam ng pamilya ng aking tito na dumalaw kahit isang beses sa kanya.

Mga ilang minuto lang kami nagtatagal sa sementeryo, natatakot din kasi ang nanay ko na tumagal doon. Ako rin naman. Pangalawa sa kinaaayawan ko ang sementeryo. Una ang ospital at pangalawa nga iyon. Inaamin ko na takot ako sa patay. Kayat nga ng binuburol namin noon ang tito ko hindi ako tumingin sa kanyang kabaong. Sa kalagayan naman ng lolo ko, pinilit ako ng tita ko na tumingin kahit na umiiyak ako sa takot. Naalala ko rin nang binuksan nila ang kabaong ni lolo para ilagay ang kanyang mga gamit. Napatalon ako sa takot at kumaripas ng takbo. Hindi na nila ako napilit na hawakan ang katawan ni lolo. Malaking AYAW ang sabi ko sa kanila. Humingi na lamang ako ng pasensya sa lolo ko at  sa tito ko na rin. Alam naman nila kung bakit ako ganoon.

Naisipan ng aking nanay na bumili ng paninda sa malapit na Grocery Store. Ako naman ay kanyang inutusan na pumila sa isang LOTTO outlet. Habang nasa pili, napagitnaan ako ng dalawang lalake. Yung nasa unahan ko ay isang mamang may malaking tiyan na sobrang tangkad. At ‘yong isa naman ay dugyuting lalake. Hindi ko alam kung saan ako titingin sa mga oras na iyon. Kung sa bagay wala naman silang ginagawang masama sa akin kayat pumila na lamang ako habang nakikinig ako ng kanta. Malaki na pala ang premyo ng lotto. Swertihin sana kami. Binalikan ko ang nanay ko sa loob ng Grocery Store at pinahintay na lamang niya ako sa labas. Wala naman akong bibilhin sa loob eh. Habang naghihintay, hindi ko alam kung namalik mata lang ako o sadyang nakita ko ang dati kong CT [cooperating teacher] na papalabas sa naturang pamilihan. Baka naman kamukha lang niya. Wala akong dalang salamin at masakit na rin ang ulo ko noon kayat baka hindi siya. Ewan ko. Na-miss ko siguro ang aking CT. Isang taon na rin pala ng hindi ko siya nakikita. Madalaw nga siya sa school niya.

Pagkatapos naming pumunta roon, nilibre ako ng nanay ko na kumain sa MCDO. Kahit na nabusog ako, sumasakit pa rin ang ulo ko. Giniginaw na rin ako ng sobra. Kaso sa kasamaang palad na iwan pa ng nanay ko ang payong kayat bumalik ako at kinuha iyon. Tumakbo ako habang bumubuhos ang ulan. Kulit talaga ng nanay ko.

Nang nakauwi na, agad akong naligo dahil nabasa ako ng ulan. Bagsak na ang katawan ko dahil sa sobrang sakit ng aking ulo. Nagpakuha ako ng gamot sa aking kapatid. Nang nakainom na ako, humiga ulit ako. Unti-unti ko ng napipikit ang aking mga mata. Naririnig ko ang pagpataka ng ulan. Hanggang sa nakatulog na ako.

Diary: Home Sweet Home

Posted: May 23, 2011 in Brainythoughts

Kakauwi lang galing sa mahabang trip kasama ang tatay ko kasi unang una maligawin akong tao kayat sinama ko siya. May dapat akong pumuntahan kayat umalis ako. Naghahanda na ako para sa aking future. Kahit na nahihirapan akong i-visualize ang future ko, sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Kakayanin ko ito. Kaya ko ‘to.

Pagkatapos noon, dumuretso kami ng tatay ko sa MOA, andoon kasi ang nanay ko. Nilibre kami ng cake at sympre kumain kami roon sa cake shop na gusto ko laging kainan at tambayan. Dark chocolate with matching Ice chocolate… love it! Para akong nasa langit. Sayang hindi naming kasama ang kapatid ko, may pasok kasi siya ngayon. Naku pag-uwi talaga magrereklamo iyon.

Habang kumakain, nagpatawa ang nanay ko about sa free-sugar. Kung sa bagay para sa kanya parehas lang iyon. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Pinag-uusapan nila ang mga nangyari kahapon at yung mga plano na nakakatuwang pakinggan. Nakakatuwang panoorin ang mga magulang ko.  Hindi ko kinakaila na broken family kami dati. Away dito, ayaw roon. Masakit sa tenga at lalong-lalo na sa puso. Pero alam ba ninyo kung paano nagkaayos ang mga magulang ko? Parang magic lang na hindi ko alam kung paano. Basta ang alam ko lang dahil sa pagdarasal ko parati sa Diyos natupad yung gusto kong mangyari. Bulong mula sa puso. Ngayon, sabay-sabay kaming nangangarap at sabay-sabay namin ‘yon aabutin.

Habang papauwi na at nasa biahe, pinagmamasdan ko ang pagpatak ng ulan. Sa biyernes darating daw ang bagyong chedeng. Ano ang gagawin ko? Maghintay sa kanya sa bahay? Biro lang. Gusto ko lang magpatawa.

Pero pakiramdam ko, masakit ang tiyan ko. Sobra na naman ako sa gatas. Na naman! Bakit ba may ganito akong kondisyon? Kaya ko pa naman at malapit na rin kami sa cavite.

Para hindi ko maramdaman ang sakit, natulog na lamang ako. Ganoon naman parati eh.

Rebound

Posted: May 22, 2011 in Brainythoughts

Dahil sa walang magawa, nanood kaming magkapatid ng tagalog movie. Isang love story na kinatutuwa ko ang naging takbo ng kwento. Matagal na ang pelikula na iyon pero ngayon ko lang napanood. Isang bestfriend nain- love sa kanyang kaibigan tapos iniwan ng syota at syinota ang kaibigan. Blah… blah… blah… blah… Sa huling banda sila rin ang nagkatulungan. The end! Maganda rin naman kahit papaano pero ito lang ang ayaw ko sa love story ng mga Pilipino, nalalaman ko na ang magiging takbo ng kwento. Ganoon talaga pero aaminin ko kahit papaano eh nagandahan din ako pero hindi ako super kinikilig.

Naikwento ko kay JV na nanood ako ng ganoong pelikula. Nakanood na rin siya ng ganoon. Maganda nga raw sabi niya sa akin. Isang smiling face ang reply ko sa kanya. Mahilig siguro siya sa love story? At marahil tagalog love story ang trip niya.

Out of nowhere, naitanong ko sa kanya kung naniniwala ba siya na ang magkaibigan ay pwedeng maging “sila”. Daming hahahahaha ang na-receive kong reply mula sa kanya.

Sige tumawa ka lang, seryoso ang tanong ko. Sagot ko sa kanya.

Pikon? Biro lang. Sympre naman pero pagdating sa bagay na iyan kailangang mamimili kung frienship o love ang pananatilihin mo. Reply niya sa akin.

Napaisip naman ako sa naging reply niya. Dahil sa wild question lang iyon, imbes na sagutin ko iyon nagtanong ulit ako kung naka-experience na ba siya ng rebound.

Rebound? Sa basketball ba?

Patawa siya ha. Balak ba niyang maging comedian. Nagreply naman ako na ang ibig kong sabihin ay yung love rebound na tinatawag.

Oo pero matagal na iyon. Sagot niya sa akin.

Ikinwento niya yung naging karanasan niya sa bagay na iyon. Todo reply naman ako sa bawat text niya. Habang ka-text siya, may tanong na bigla na lamang ako naisip sa aking utak. Totoo kayang nagiging timang ang isang tao pagdating sa pag-ibig? Kahit na matalino, nagiging baliw dito. Ganoon ba talaga?

Ilang minutong nakakalipas, nagtext siya sa akin. At sa pagkakataon na ‘yon, tanong ang natanggap ko mula sa kanya.

Paano kung magkita kayo ng dati mong minahal? Mamahalin mo pa ba siya?

Wala akong minahal at isa pa di ba, paliwanag ko sa iyo hindi naging kami. Siya mismo ang nagsabi nun sa akin. Sagot ko sa kanya na tila ba nahirapan ako sa naging tanong niya.

Pero minahal mo siya?

Napatigil ako bigla. Sandali akong napatulala. Hala ano ang sasabihin ko.

Nakatanggap muli ako ng isang reply mula sa kanya. Mag-reply naman ako.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ‘yong naging tanong niya sa akin o magtatanong na lang ako ng ibang bagay.

Nakatanggap ulit ako ng text galing sa kanya. Sa pagkakataon na ito, tinext niya sa akin na huwag ko na lang iyon sagutin at kinamusta na lamang niya ako.

Baka inisip niya na minahal ko ang tao na iyon kayat hindi na siya humihingi ng reply mula sa akin.

Sabihin natin na bata pa ako pagdating sa pag-ibig kayat inakala ko na kapag gusto ko ang isang tao eh mahal ko na pero kahit papaano na-realized ko na… ang pag-ibig ay higit pa sa isang gusto at ang gusto ay hindi pwedeng humigit pa sa isang pag-ibig. Reply ko sa kanya na para bang ang labong intindihin.

Kung makita mo man ang tao na ‘yon, malalaman mo na ba kung mahal mo siya o hindi? Tanong niya ulit sa akin.

Wala atang balak ibahin ang usapan ha. Naman! Sana hindi na ako nagkwento about sa film na iyon.

Hindi pa kami nagkikita ng tao na iyon at kung magkita man kami at kahit yayain ko pa siya, alam ko sa aking sarili na wala akong nararamdam sa kanya. Siguro noon nagkamali ako ng pagkakaintindi ng mahal sa gusto. Tugon ko sa kanya.

Salamat naman at tumigil na siya sa katatanong sa akin. Isang goodnight ang ne-receive kong text galing kay JV. Nag-goodnight na rin ako.

Kita naman sa darating na biyernes. Please?

Sure :)! Huling reply ko sa kanya.

Walang magawa

Posted: May 22, 2011 in Brainythoughts

Grabe bakit ba hindi ko magawang i-motivate ang sarili ko na gumawa ng school works. Buhay nga naman pero hindi ko naman sinasabi na nabo-BORE ako ngayon, may iba akong ginagawa at hindi iyon ang school works at yun ang manood ng mga movies. Ang hilig ko talaga sa comedy movie. Kahit na korny ang pagpapatawa, natatawa pa rin ako.

Maraming mga ulap sa langit at ang sarap panoorin. Nakakatuwa lang kasi kapag tinitignan ko ito, napapapikit na lamang ang aking mga mata. Mabagal ang pagalaw ng mga ulap. Nakakaantok pagmasdan pero nakakagaan ng kalooban.

Random thoughts… again

Posted: May 21, 2011 in Brainythoughts

Nakakatuwa naman at hindi nagkatotoo ang May 21, 2011. 🙂 Kahit papaano gusto kong makita kung ano ang pwedeng mangyari sa sangkatauhan. Ngunit tulad ng sinabi ko, ang Diyos lamang ang makakapagsabi ng bagay na iyan. Kahit tao hindi pwedeng magdikta kung ano ang Judgment thingy na pinupunto nila. Tuloy lang ang buhay.

Nga pala natapos ko na ang librong binabasa ko. Marami akong natutunan at gusto ko ulit magsimula ng panibagong libro. Heto na naman ako, hindi ko nagagawa MULI ang school works na dapat kong matapos. Wala akong ganang magsimula. Ewan ko ba kung bakit. Kailangan ko ng motivation at inspiration para matapos iyon ngunit kahit anong insist ko sa aking sarili, ayaw talagang gumalaw ang katawan ko para magtrabaho. Moody nga naman tapos magpupuyat ako para matapos iyan. Katamaran bang matatawag iyon? Ewan ko.

Madilim sa labas ngayon. Wala akong makitang bituin na pwede kong tignan. Naalala ko pala na hindi ko nakausap si little one kagabi. Kahit siguro ngayong gabi na ito, hindi ko rin siya makakausap. Hindi sa pinagbabawalan ako, kailangan kong bawasan ang pagpupuyat ko dala na rin ng kondisyon ng aking katawan. Ayaw kong pumunta sa hospital para malaman ulit ang mga bagay na iyon. Alam ko na ‘yon, di na dapat inuulit kaso ganito talaga ako… pasaway kayat imposible na sundin ko iyon.

May natanggap akong text message kani-kanina lang. Isang “kamusta” galing sa kaibigan na kanina pa akong kinukulit na magtext sa kanya. Nakakatuwa naman. Wala naman akong makausap ngayong gabi na ito kayat nagreply na ako sa kanya ng magandang gabi. Sympre may kasamang ganito 🙂

At isa pa pala, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos ng sumali ang tatay ko bilang kandidato sa H.O thingy. kung papalarin, marami akong pakikisamahang tao. Nagulat nga ako sa sinabi ng kapatid ko kanina since karamihan dito mga dati kong estudyante. Gamitin ko raw ang charisma power ko sa kanila. Tumawa lang ako. Wala namang mangyayari sa akin di ba? Sana nga wala. Come what may na lang. Hindi ko talaga mahulaan ang future ko.

Diary: Random thoughts

Posted: May 20, 2011 in Brainythoughts

😦 Kawawang daliri, dahil sa akin namamaga ito ngayon. Hindi ko naman pwedeng sisihin yung taong nag-tao po pero kung hindi dahil sa kanya hindi ako maiipit ng ganoon! At sino ba naman kasing nagsabi na makipag-usap ako habang sinasara ang pintuan. At saan ka ba nakakita ng taong gumagawa ng ganoon. Sympre ako! Yan nakakita na ako ng taong ganoon at ako iyon! Ang itim ng daliri ko ngayon pero sabi sa akin ibabad ko lang sa malamig na tubig o di kaya sa yelo. Buhay nga naman. Kung sa bagay kasalanan ko naman kasi.

Nga pala nagsimba ako kanina at sa loob ng simbahan may natutulog na pulubi roon. Kung may dala lang akong pagkain baka bigyan ko pa iyon. Matanda na ang pulubi, parang lola ko lang. Kung sinuman ang pamilya niya, sana mahanap na siya. Napagod siguro yung matanda kayat nagpahinga sa loob ng simbahan. Hindi ko alam kung hahayaan pa siyang matulog ulit sa loob kung sakaling may makakita sa kanya.

Pagkalabas ko sa simbahan may nakita akong sign at ikinatuwa ko ang bagay na iyon: Bored in traffic? Just PRAY. Ganda ng message. May mga tao na naiinis dahil doon kayat imbes na  magmaktol, magdasal na lamang at think positive. Paano iyan kung ang trapik eh naganap ng tanghali? Sobrang init. Naku rumble na iyan. Huwag naman sana.

Naalala ko tuloy ang kabataan ko dahil sa mga anime na pinanood ko kani-kanina lang. Pinakamatanda na roon ang Ghost Fighter at Dragon Ball Z [kahit na may “kai” roon, still ganoon pa rin ang takbo ang kwento]. Nakakatuwang isipin na pinapalabas pa nila ang ganoong anime. Sarap tuloy sariwain ang mga nakaraan kung saan ginagaya ko ang mga kapangyarihan na meron sila. Minsan nga naging idol ko pa ang mga bida sa Ghost Fighter at naging gusto ko roon si Vincent [Hei ang totoong name noon] dahil sa black dragon spirit technique niya. Si Dennis din [Kurama] at yung latigong rosas na meron siya. Pero mas gusto ko yung pagiging taong lobo niya kaysa yung pagiging anyong tao. Si Eugene [Yusuke] at ang astig niyang rei gun. Sa 7th season noon, malalaman ninyo na may dugong halimaw pala siya. Iyon ang tatlong bida na gusto ko sa palabas na iyon.

Ngunit mas pinakamatagal ang dragon ball kaysa sa Ghost Fighter. Mga 1988 ng unang inere iyon sa tv. Kahit na luma, may mga bata pa rin na gustong-gusto iyon. Natatawa tuloy ako kung paano ko ‘yon inaabangan kapag gabi. Noon kasi, maraming anime ang pinapalabas ang channel na iyon. Mga 3 anime tuwing gabi. Walang mintis! Present palagi ako! At kasama na roon ang Dragon ball Z. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nila iyon pinalabas. Nasubaybayan ko rin ang paglaki ng bidang si Gokou hanggang magkaroon siya ng apo kung tawagin ay Pan. Naalala ko tuloy yung mga jolens na meron ako noon. Ginagawa kong mga dragon balls iyon  tapos aktong tatawagin ang dragon at hihiling. Bata nga naman noh. 🙂

Hindi rin pala papahuli ang Flame of Recca. Noong unang pinalabas iyon, naastigan ako kasi ninja eh. Wala pang Naruto iyon. Flame power! Ang sigaw ko parati. Feeling din na may mahiwaga akong sandata. Yung may hawak ng Ensui na si Dylan [Tokiya sa Nihonggo] gusto ko siya. Cute kasi kayat ganoon. Kahit na astig ang Flame power ni Recca mas gusto ko si Dylan talaga. Yung pitong dragon ni Recca lang naman ang gusto ko at kung paano niya iyon tawagin. Natatawa ako sa mga sign na ginagawa niya para lumabas ang kanyang mga dragon. At hindi rin maiwasan na ginagaya ko rin iyon  noon. 🙂

Kahit na maraming nagsilipanang bagong anime ngayon na hindi ko na kayang subaybayan pa, iisa pa rin ang gusto ko sa lahat at yung ang Voltes V. Naalala ko noon na sumasabay pa ako sa sigaw nilang “Let’s Volt In”… align… align ang drama nila tapos habang nagtra-transform ang mga sasakyan nila, may background music pa;

Tatoe arashi ga hukou tomo
Tatoe oonami areru tomo
Kogidasou tatakai no umi he

Tobikomou tatakai no uzu he

Mitsumeau hitomi to hitomi
Nukumori wo shinjiau
Go nin no nakama

BORUTESU FAIBU ni subete
wo kakete Yaruzo chikara no tsukiru made
Chikyuu no yoake ha mou chikai.

Tapos sabay sigaw ng… VOLTES V si Steve Armstrong!!!! Noong panahon na sikat na sikat ang Voltes V, gumawa ang mga pilipino ng tagalog version ng kanta pero hindi naging patok sa tenga ko iyon eh. At isa pa kalokohan kasi ang lyrics;

Sana ngayon kami ay malaki na
Upang makatulong sa hustisya
Huhulihin namin ang masasamang tao
Itatapon sa loob ng kalaboso

Ang mga kidnapper, carnapper dog-napper
isnatser at mga hold-up-er Lilipunin naming lahat 

Voltes V tatandaan Yan po ang tatak namin
‘Pag nakita ninyo kami magtago na kayo
Walang biro, lagot kayo Pati na lolo n’yo!

Kitam! Kayat ayaw ko ng tagalog version ng kanta na iyon. Katawa-tawa kasing pakinggan at kantahin. Subalit nagagalinggan din ako sa mga pilipinong tinagalog ang kanta. Sa kasamaang palad hindi ko maalala kung sino ang mga kumanta ng tagalized version ng Voltes V.

Sa ngayon, kahit na malaki na ako tuloy pa rin ang panonood ko ng mga bagong anime. Hindi man ako updated, kung may oras ako, nanonood ako pampalipas oras lang. Pero hindi tulad ng dati ha na ginagaya ko pa kung ano ang mga powers na meron ang bawat bida. Nood at tawa na lang ang ginagawa ko ngayon. 🙂

Wala palang nakakaalam sa bagay na iyon. Isa iyong S.E.K.R.E.T.O 🙂

Diary: Maniwala sa sarili

Posted: May 19, 2011 in Brainythoughts

Halata sa aking mukha ang sobrang saya at kaba na rin na aking nararamdaman. Kung sa bagay kapag ganito kasi ako, feeling ko hindi mangyayari ang hinihiling ko. Wala na naman ako. 😦 Ganoon talaga ang buhay kailangan kong tanggapin ang bagay na iyon pero kung mabigo man ako :(, ikalulungkot ko ng husto. Great depression ko siguro iyon. 😦

Bago matulog ang kapatid ko, sinabihan niya ako na “kaya mo yan!” Nakakagaan ng loob. Pessimist akong tao at di na magbabago iyon, pero dasal lang ng dasal. Iyon lang ang panlaban ko sa kahinaan ng loob na nararamdam ko.

Basta kailangan think positve!

Positive thought…. positive outcome.

Kaya ko ito. Kailangan ko lang maniwala sa aking sarili at sa aking kakayahan.

Kaya ko ito! kaya ko!

Posted: May 19, 2011 in Brainythoughts

Masaya ako ngayong gabi pero hindi muna ako magiging kompyensa sa aking sarili. Magdarasal ako ng mabuti. Mananalangin ako ng husto. Sana sagutin ng Diyos ang gusto at sinisigaw ng puso ko.

Basta kapag handa na ako, sasabihin ko. Kung mabigo man ako, ikalulungkot ko ng husto, tatalon talaga ako sa ilog pasig. Alam ko mabait ang Diyos sa akin, hindi niya ako pababayaan.

Kaya ko ito. Naniniwala ako. Alam kong may naniniwala sa akin. Kaya ko ito. Gustuhin ko mang sabihin sa iba, sa kapatid ko muna sinabi. Tikom muna ang bibig ko. Basta sasabihin ko rin sa tamang oras at panahon.

P.S

Salamat po Diyos. Maraming maraming salamat talaga sa Inyo. Kahit na ang dami kong pagkukulang, nandiyan kayo sa aking tabi pa rin. Hindi Ninyo ako pinababayaan. Alam ko ang Inyong mga kamay ay nasa aking mga balikat. Lagi Kayong andiyan sa tabi ko. Maraming maraming salamat. Buong puso po akong nagagalak sa mga biyayang binibigay ninyo sa akin. Salamat po talaga. ^^