Second Entry

Posted: December 20, 2011 in Dear D (fiction)

October 13, 2011
8:35PM; Thursday

Hindi naging maganda ang nangyari sa akin ngayong araw na ito. Nakita ako ng titser ko na natutulog kasi. Naman! Try kaya nilang gumawa ng schedule kung kailan sila pwedeng magpagawa ng takdang-aralin sa kanilang mga estudyante kaya. Kahit papaano mahirap ang mag-aral.

Isipin naman nila sana iyon. Kung totoo si Genie, kanina pa ako humiling sa kanya.

Para hindi ako datnan ng antok, minabuti ni Ms. Bautista na palabasin ako sa kanyang klase at tumayo sa pasilyo. Pasilyo ba kamo? Hala!

Naalala ko pala na recess ng kabilang seksyon. Patay makikita ako ng mga kakilala ko at higit sa lahat si Mateo. Lagot na talaga ako.

Biglang nagsilabasan ang mga estudyante sa kabilang seksyon. Nakatungo lang ako para hindi nila mapansin ang tulad ko.

Ramdam ko na silang lahat ay nakatingin sa akin. Para tuloy akong preso na pinalandakan ang sarili sa iba. Masamang tao kung baga. Narinig ko ang sinabi ng isang estudyante. “Nakakatakot talaga si Ms. Baustista.” Agree ako sa sinabi niya. Sa lahat ng titser, sa kanya nanginginig ang tuhod ko. Si Ms. Bautista pala ang aming Chemistry teacher. The terrorist of the third year class. Lahat ay napapayuko sa kaniya sa tuwing nakikita namin siyang paraan tapos sabay sabing “good morning (kapag umaga) at good afternoon (kapag hapon) Ms. Bautista.” Tapos siya hindi man lang hihinto para batiin din niya kami. Daig pa niya ang isang executive manager. Reyna siyang matatawag. Reyna ng pagtaas palagi ng kilay at daig pa si Inay Magenta. Hmmmm!!!

Habang nakatungo ako, may biglang humawak sa aking uluhan. Gusto ko sanang itingala ito kaso nahihiya ako na makita kung sinuman iyon.

“Good girl ha.”

Nanlaki ang mata ko nang narinig ko ang boses. Pamilyar ang boses na yon. Panigurado kay Mateo ang boses na narinig ko.

Bingo! Tama ang hula ko. Si Mateo nga! Feeling close. Ngumiti siya. Yung ngiting kayang magpatigil ng oras. Sana huwag na niyang tanggalin ang kanyang kamay sa aking uluhan. Sana huwag ng matapos ang oras na ito. Sana… dami kong sana. Ano roon ang gusto kong mangyari?

“Mateo Guevarra! Sino ang may sabing kausapin mo ang estudyante ko!”

Bigla niyang tinanggal ang kanyang kamay at tuluyan ng lumayo sa akin.

Napatingin ako kay Ms. Bautista. Naku yung mga mata niya, nanlilisik. Nakakatakot.

Agad pumasok si Ms. Bautista sa loob ng aming klasrum.

Habang dumaraan ang iba pang mga estudyante, ang layo ng aking tinatanaw. Nagbabasakali akong makita ko siya. Kung hindi lang sumingit si Ms. Bautista e di sana masaya ang araw ko ngayon.
Dami kong sana ni isa walang nangyari.

Nang lumabas na ang mga kaklase ko, saglit akong kinausap ni Ms. Bautista.

“Lea sa susunod na makita kitang natutulog sa klase ko, ipapa-guidance na kita.”

Threat ba iyon o warning? Tumungo na lamang ako. Agad akong pinalabas para mag-recess na rin. Nakita ko ang iba ko pang mga klase, naglalakad sa may pasilyo. Sumunod na rin ako sa kanila. Panay ang tanong nila sa akin kung ano ang pakiramdam na napalabas. Ako naman itong todo tawa.

Bigla na lamang nagtanong ang isa kong kaklase tungkol sa nangyari kanina. Ako naman itong napaisip kung ano yung nangyari na iyon.
“Eeehhh… todo tanggi ka pa. Yung boy kanina. Pansin ko kasi close kayo.” Wika niya

Sino siya? dugtong niya.

Naalala ko na. yung ginawa sa akin na Mateo ang sinasabi niya. Ang slow ko talaga

Ako naman itong kwento ng kwento sa kanila tungkol kay Mateo. Yung kwento ko ay tungkol kay Mateo lamang. Kung kailan siya pinanganak, ano ang favorite foods niya at past-time niya e hindi ko na alam iyon. Basta hanggang name lang ako.

Naalala ko noong second year high school pa ako, buong third year ay pina-guidance niya kasi sa misconduct na kanilang ginawa. Nakita kasi ni Ms. Bautista na nagtatawanan ang buong klase. Feeling niya marahil siya ang pinagtatawanan. Nakarinig lang din niya ang salitang mataba (as if naman siya iyon).

Mataba si Ms. Bautista. Feeling mo may sanggol sa kanyang sinapupunan. Tsanak kamo! Feeling mo naglalakad na Balyena sa lupa at feeling mo rin isang bola na tumatalbog. Isang quarter pound na burger, at isang extra-large na coke. Gutom na ata ako kaya ko naisip iyon kanina.

Mga ilang minuto na lang at magka-klase na ang seksyon ni Mateo.

Nakita ko siyang pabalik na sa kaniyang klasrum. Sinundan ko siya ng aking tingin.

Shocking a… tumingin siya sa akin at ngumiti.

Napansin ng mga kaibigan ko ang pamumula ng aking pisngi. Ayun tinukso nila ako di oras. Ako naman itong tawa ng tawa lang. Isang baliw na hindi ko mawari kung kinikilig ba ako o natutuwa kasi tinutukso nila ako kay Mateo. Malay ko ba.

Habang tumatagal D, lalo nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Posible kaya? Alam mo na iyon. Hindi ko alam kung tipo niya ang tulad ko. At bakit pa ako nangangarap? Inisip ko nga na kung malaman niya na crush ko siya, matutuwa ba siya? Crush din ba niya ako? Asa! Sino ba naman ako D, isang hamak na third year lang ako at tapos siya graduating na. Ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon. Kung aamin ako, may pag-asa kaya?

Teka! Bakit ako? Hindi siya?

Kung sa bagay wala naman siyang gusto sa akin kaya bakit siya aamin?
Kung dadaanin ko sa lumang kaugalian, yung tipong magsusulat ako ng love letter para sa kanya tapos ilalagay sa locker, posibleng malaman niya na gusto ko siya.

Stop! Look! And listen! Crush ko lang pala siya.

Baka naman love na.

Ewan.

Leave a comment